Linggo, Marso 3, 2013

"Misteryo: Third Eye" Komiks ng Kababalaghan





PAGGUHIT KAY BOTOTOY

CUPCAKE
PAGHALINTULAD NG HAYSKUL LIFE SA ISANG BAGAY

Cupcake ang aking pinili sapagka't ang cupcake ay matamis tulad ng buhay ko ngayon.
Mas lalo ring pinapatamis ng aking mga kaibigan ang bawat pahina ng buhay ko.

ORASAN
PAGHALINTULAD NG HAYSKUL LIFE SA ISANG BAGAY

Orasan sapagka't sa pagpatuloy ko sa aking laki, bumibilis ang bawat segundo ng aking buhay.

ANG SCIENCE PARK NG REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL-IX
PAGGUHIT SA ISANG PARTE NG PAARALAN


 PAGLALARAWAN NG ISANG EKSENA SA NEMO, ANG BATANG PAPEL
ANG MGA PAGBABAGO NOON AT NGAYON

ANG MGA PAGBABAGO NOON AT NGAYON

Kwentong Kababalaghan
ni Amina Shayne Halil

  May mga kababalaghan talaga tayong nasasaksihan na tila hindi  kapanipaniwala at mahirao ipaliwanag. Tulad nalamang ng naranasan namin ng aking Ate, ako at nakbabatang kapatid na lalake. Taong 2004 nang naganap ito. Malalim na ang gabi. Ang aking ina ay nasa kabilang kwarto at nakikipagkwentuham saaking lola habang kaming tatlo ay naiwan sa kwarto namin. Marami nang mga nakakapangilabot na kwento ang aming narinig tungkol sa tinitirhan naming bahay. Nanay, Tatay, Lola at iba pang kaanak ang nagsabi.  Kahit na kami ay natatakot na sa mga kwentong ito, nagsimula kaming magkwento ng mga kababalaghan nang gabing iyon. Habang napapatagal ang kwentuhan namin mas lalo kaming naging maingay. Napasarap na ang kwentuhan at nagsimula na rin kaming tumawa at humalakhak. Ang aming kwentuhan ay nabulabog ng isang ingay na tila nanggagaling sa aming bintana, Napalingon kami at nakita naming may pumupukpok sa aming bintana. Kahoy ng punong bayabas ang ginamit pang-pukpok. Maingay at walang tigil. Ang nga pusa ay nagiingay na rin. Nagsimula na kaming lumabas ng kwarto. Nauna ang aking ate, pangalawa ako at pang huli ang aking nakababatang kapatid. Hinihingal kami ng magsumbong sa aming lola at nanay. Noong una, hindi sila naniwala saamin. Pinasilip namin sila sa bintana. Tumigil na ang pagpukpok dito ngunit, mas lalo kaming kinalibutan nang bigla nalamang umandar ang aming biskleta na may sidecar nang patalikod. Bigla ring tumumba ang aming upuan nang dumaan ang bisikleta. Tumindig ang aming balahibo. Kasabay nito ang takot wala roon ang aming tatay. Pinapasok kami ng nanay ko. At may biglang kumatok sa gate Natakot kami, ngunit iyon pala ay ang aming tatay. Napahinga kami ng maluwag  sapagka't siya'y dumating na. Ikinuwento namin sakaniya ang lahat ng nangyari. Kinuha niya ang kaniyang flashlight at nagsimulang hanapin ang multong gumambala saamin. Ngunit wala siyang mahanap. Hanggang ngayon, 'di ko pa rin makalimutan ang pangyayaring iyon. Iyon kasi ang unang beses na may nagparamdam sakin. Iyon din ang unang beses na nakaramam ako ng takot kahit ako'y nursery pa lamang. At magmula noon, nagsimula na akong maniwala sa multo.


Alamat ng Baliwasan 
ni Amina Shayne Halil

   Noong unang panahon, may isang bayan na nagngangalang San. May nakatira rito na mag-asawang may napakagandang anak. Ang kaniyang pangalan ay Asan na isinunod sa bayan kung saan siya ipinanganak. Mabait ang mga tao rito at magalang. Iniidolo ng mga taga-barangay San si Asan dahil sa kabaitan at kabutihang loob na ipinamalas niya. Mahilig siyang tumulong sa mga tao at iginagalang niya lahat ng mga tao rito. Nagagalit rin ang mga magulang ni Asan sapagka't gabi-gabi may humaharana sa kanilang anak. Hindi pinapayagan ng kaniyang mga magulang na mag sumuyo sa kanilang anak sapagka't itinuturing nilang kayamanan si Asan. Isang araw may lalakeng di na nakapagtiis kay Asan. Tumyempo siya ng panahonupang pasukin ang bahay nina Asan. Nang gabing iyon, wala ang mga magulang ni Asan. Pinasokng lalaki ang bahay at hinalay ang walang kalaban-labang si Asan. Matapos mangyari iyon, bigla nalamang natulala si Asan at tila nagsimula nang aging baliw. Nag-alala lahat ng tao sa barangay San. Tinanong nila at pinasalita si Asan kung sino ang gumawa sakniya nito. Ngunit 'di niya ito magawa sapagkat siya ay wala na sa pag-iisip at nababaliw na. Ilang araw ang nakalipas ay namatay na si Asan . Nagulila silang lahat. Ipinangalan nila ang kanilang  barangay na barangay Baliwasan. Baliwasan sapagkat namatay sa pagkakabaliw ang isa sa mga taong tumatak sa puso ng barangay na San na si Asan.
Ang Konsepto Ko Ng Kalayaan
ni Amina Shaye Halil

   Kalayaan o freedom. Isang salitang paminsan-minsa'y mahirap makuha. Pero sa tingin ko, may natural na karapatan tayo sa kalayaan. Mapa sa tahanan, sa paggamit ng social networking sites o mapa sa sarili mong mga magulang. Mauna muna tayo sa tahanan. Maaring magagawa natin ang gusto natin sa ating mga bahay ngunit may ipinagbabawal din dito. Sarili mo man itong bahay, may mga limitasyon rin dapat tayong isipin ukol sa kalayaan na gusto natin at sa mga kagustuhan nating gawin dito. "Ano ba 'yang Cybercrime-cybercrime law na 'yan? Kainis naman."  Linya ng karamihan saatin. Kung pag-uusapan naman ang freedom of speech sa paggamit ng social networking sites eh, diyan tayong mga pinoy nahihilig eh. Ang paglalahad natin ng damdamin sa paggamit ng mga sites tulad ng facebook, twitter at kung anu-ano pa. Nang inilabas naman ang Cybercrime law, marami saatin ang 'di sumangayon dito spagka't nawawala na ang ating kalayaan sa paggamit nito. Ngunit ang maganda rin dito ay mababawasan na ang mga bullies at mababawasan na ang bilang ng mga nabibiktima ng Cyberbullying. Nagyon, sa mga magulang naman tayo. Karamihan saating mga makabagong kabataan ay babad na babad na sa pag-paparty. Party doon, Party dito. Shopping doon, shopping dito. "Buti pa sila" Wika ng mga kabataang may mahihigpit na mga magulang na 'di pinapayagang gawin ag gusto nila bilang mga teens kung tawagin. May mga magaganda rin namang epekto ang pagiging strikto ng mga nakakatanda. Ang masama lang rito, minsan nagreresukta ito ng pagiging rebelde ng , karamihan saatin. Takas dito, takas doon. Sa pagkawala ng kalayaan ng mga kabataan ngayon , nagbubunga rin ito ng mga negatibong epekto na paminsa'y pinagsisisihan. Lahat naman tayo ay karapatdapat na makatikim ng kalayaan ang kailangan lang naman natin ay huwag nating abusuhin ito.
Alamat Ng Talon-Talon
ni Jamih Lynn Macario

    Noong unang panahon, sa isla ng Mindanao, mayroong isang raja na nagngangalang Raja Jumatalon. Isa siyang mabait, matipuno, makapangyarihan at makisig na Raja. Lahat ng babae sa kanilang tribo ay nagkakagusto sa kanya, ngunit wala siya ni isang mapusuan.

    Nang dumating ang isang araw, may nakilala siyang isang babaen na nagngangalang Nailan. Si Nailan ay isang maganda at mapagmahal na babae. Siya lamang ang nakapagpa-ibig kay Raja Jumatalon. Araw-araw silang nagkikita silang nagkikita sa tabing ilog upang maligo. Kahit alam nilang hindi pwede dahil ang kanilang tribo ay magka-away. Pero sa kabila ng lahat, mahal na mahal nila ang isa't isa.

    Malalim na ang gabi nang nakauwi si Nailan sa kanilang tribo. Nagtaka ang kanyang ama kung bakit gabing-gabi na siya nakauwi kaya tinanong niya si Nailan. Hindi kayang itago ni Nailan ang katotohanan kung kaya't nasabi niya ang totoo. Galit na galit ang kanyang ama. Sumugod ang Datu at ang kanyang mga kawal sa tribo ni Raja Jumatalon na walang kaalam-alam. Napaslang si Raja Jumatalon ng isang kawal ng datu.

   Inilibing si Raja Jumatalon at ang iba niyang kasamahan kinabukasan kung kaya't ang lugar ay tinawag na Jumatalon at di nagtagal tinawag itong "Talon-Talon" upang magbigay paalala sa kanilang Raja.