Huwebes, Pebrero 28, 2013

Batang babae, ni-rape ng engkanto. Bata, nabuntis!
ni Amina Shayne Halil at Earl Humprey Bantug

      Ika-10 ng Pebrero 2012 sa Belete Drive nang naglayas ang isang batang babae na nagngangalang Josefina sa kasgsagan ngulan. Si Josefina ay isang residente ng barangay na malapit sa Belete drive. Huli siyang namataan sa isang puno na Balete sa naturang lugar na pagala-gala. Ayon sa ina, noong bumalik siya sa bahay ng walang saplot at nagdadalang-tao na. At pagkalipas ng tatlong araw ay nailuwal niya ang kaniyang anak at nalaman na ng ina ang tunay na pagkatao ng nakabuntis sa kaniyang anak.
Ang WMSU
ni Amina Shayne Halil

Sa unang pagtapak ko dito,
Bakas ang ngiti sa muka ko.
Dama ko ang pananabik,
Sa kasiyahang hatid.

Nakahanap ng mga kaibigan,
Kaagapay sa silid-aralan.
'Di matawarang kwentuhan, 
May kahalo pang biruan.

Kay rami kong natutunan,
Sa gurong magaling sa turuan.
May mga pagkakataong mahirap matuto,
Sa mga leksyong nakakalito.

Naisip ko na masayang mag-aral,
Lalo na sa ganitong paaralan.
Hinding-hindi ko makakalimutan ang WMSU,
Ang unang eskwelahang tumatak sa'aking puso.
O, Dati Kong Paaralan
ni Jamih Lynn Macario

Kahit 'di lahat ng building dito ay sementado,
Basta pagturo sa amin ay planado.
Kaya araw-araw kaming pumapasok,
na gandaong-ganado.

Kahit ang canteen dito ay maliit,
Basta mkabili lamang kami ng pansit.
Mga kendi dito ay sweet,
Kaya laging binabalikan ng mga batang makukulit.

Mga parke dito ay makukulay,
Kaya mga halaman dito ay buhay na buhay.
Ang kalinisan nito,
Sa amin nakasalalay.

O, dati kong paaralan,
Binigyan mo ako ng kaalaman;
At hinusayan lalo ang aking kakayahan.
Kaya magpakailan man, itunuturing ko itong
isang kayamanan.


Miyerkules, Pebrero 27, 2013

Cellphone
ni Amina Shayne B. Halil

   Ako po si cellphone. Para sa iba naman ako ay isang mamahaling bagay lamang na 'di dapat bilhin, ako naman ay isang importanteng kagamitan pang-komunikasyon. Marami akong kayang gawin. 'Di lang ako pang-komunikasyon kundi pan-libangan rin. Mapa-musika, mapagames at iba pa. Marami rin akong klase. Kung gusto mo ng simple lamang ay maganda yung walang camera. At kung gusto mo naman yung classy at sosyal naaayon sayo ang may camera. Ngunit ang iba ay tila di ako pinahahalagahan, masasagi rin sakanilang isip n ako'y kailangang pahalagahan.Ngunit ako'y di dapat gamitin pangloko ng ibang tao.instrumento uoang magamit sa kasamaan o gamitin sa terorismo. Narararapat lamang na magkaroon ng limitasyon ang paggamit niyo saakin. 'Di dapat akong gamitin tuwing may klase kung ayaw niyong mapagalitan sapagkat ito'y ipinagbabawal. Isa rin ako sa mga kinaiinisan n ginyong mga magulang . Wala na kasing ginawa ang mga kabataan ngayon kundi ang pumindot ng pumindot . At laging aalahanin na ingatan ako at magkaroon ng limitasyon sa paggamit saakin.
PSP
ni Jamih Lynn Macario

    Ako si PSP at pagmamay-ari ako ni Jamih Lynn, Nakasama ko siya simula 8 na taing gulang siya, Simula noon, sa tuwing  nababagot siya a bahay at nilalaro niya ako . Sa dami ng laro na andito sa akin ay hindi na siya nababagot. Lagi siyang nageenjoy. Bukod sa mga laro ay may iba't ibang applications din ako. Tulad ng camera, para mapicturan niya lahat ng gusto niyang picturan. Mayroon ding WiFi connection upang makapag-surf din siya sa internet. Kung saan-saan na niya ako dinala sa tuwing nag-vacation sila sa iba't-ibang lugar. Kahit kailan ay hindi niya ako pinabayaan. Ni walang gasgas ang makikita niyo sa aking katawan. Lagi niya akong pinupunasan upang maging makintab ako. Ang sya-saya ko dahil sa kanya napunta at kung may tyansa akong makapag-salita ay magpapasalamat talaga ako sakanya at mas lalo ko pa siyang pasasayahin.
Ang Huling Pagkikita
ni Jamih Lynn Macario

Nang una ko siyang nakilala,
Abot langit ang aking saya.
Araw-araw kami ay magkasama
Wala nang magpapahiwalay sa aming dalawa.

Umaga hanggang gabi,
Siya lang ang aking iniisp.
Lagi kaming nagdadamayan,
Sa oras ng kalungkutan

Nang dumating ang araw na iyon,
Yun na ang huli naming pagkikita.
Nagpaalam siya at pumunta sa Maynila,
At dahil doon ako'y naulila.
Ang Iyong Paglisan
ni Amina Shayne B. Halil


Noong ikaw ay lumisan,
Dama ko ang kalungkutan.
'Di alam kung saan ka pupunta,
'Di alam kung ika'y babalik pa.

Sana'y noon pa nalaman na,
Na ikaw ay aalis lang pala,
Sana ngayo'y 'di lumuluha,
Ayan tuloy, nagmumukha akong tanga.

Noong hininihintay ang iyong pagbalik,
Alam mo bang puso ko'y sabik na sabik?
At ngayo'y dumating ka na na baon ang iyong mga ngiti,
Sana 'di na dumating ang panahong ika'y lumisan pang muli.