Linggo, Marso 3, 2013

"Misteryo: Third Eye" Komiks ng Kababalaghan





PAGGUHIT KAY BOTOTOY

CUPCAKE
PAGHALINTULAD NG HAYSKUL LIFE SA ISANG BAGAY

Cupcake ang aking pinili sapagka't ang cupcake ay matamis tulad ng buhay ko ngayon.
Mas lalo ring pinapatamis ng aking mga kaibigan ang bawat pahina ng buhay ko.

ORASAN
PAGHALINTULAD NG HAYSKUL LIFE SA ISANG BAGAY

Orasan sapagka't sa pagpatuloy ko sa aking laki, bumibilis ang bawat segundo ng aking buhay.

ANG SCIENCE PARK NG REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL-IX
PAGGUHIT SA ISANG PARTE NG PAARALAN


 PAGLALARAWAN NG ISANG EKSENA SA NEMO, ANG BATANG PAPEL
ANG MGA PAGBABAGO NOON AT NGAYON

ANG MGA PAGBABAGO NOON AT NGAYON

Kwentong Kababalaghan
ni Amina Shayne Halil

  May mga kababalaghan talaga tayong nasasaksihan na tila hindi  kapanipaniwala at mahirao ipaliwanag. Tulad nalamang ng naranasan namin ng aking Ate, ako at nakbabatang kapatid na lalake. Taong 2004 nang naganap ito. Malalim na ang gabi. Ang aking ina ay nasa kabilang kwarto at nakikipagkwentuham saaking lola habang kaming tatlo ay naiwan sa kwarto namin. Marami nang mga nakakapangilabot na kwento ang aming narinig tungkol sa tinitirhan naming bahay. Nanay, Tatay, Lola at iba pang kaanak ang nagsabi.  Kahit na kami ay natatakot na sa mga kwentong ito, nagsimula kaming magkwento ng mga kababalaghan nang gabing iyon. Habang napapatagal ang kwentuhan namin mas lalo kaming naging maingay. Napasarap na ang kwentuhan at nagsimula na rin kaming tumawa at humalakhak. Ang aming kwentuhan ay nabulabog ng isang ingay na tila nanggagaling sa aming bintana, Napalingon kami at nakita naming may pumupukpok sa aming bintana. Kahoy ng punong bayabas ang ginamit pang-pukpok. Maingay at walang tigil. Ang nga pusa ay nagiingay na rin. Nagsimula na kaming lumabas ng kwarto. Nauna ang aking ate, pangalawa ako at pang huli ang aking nakababatang kapatid. Hinihingal kami ng magsumbong sa aming lola at nanay. Noong una, hindi sila naniwala saamin. Pinasilip namin sila sa bintana. Tumigil na ang pagpukpok dito ngunit, mas lalo kaming kinalibutan nang bigla nalamang umandar ang aming biskleta na may sidecar nang patalikod. Bigla ring tumumba ang aming upuan nang dumaan ang bisikleta. Tumindig ang aming balahibo. Kasabay nito ang takot wala roon ang aming tatay. Pinapasok kami ng nanay ko. At may biglang kumatok sa gate Natakot kami, ngunit iyon pala ay ang aming tatay. Napahinga kami ng maluwag  sapagka't siya'y dumating na. Ikinuwento namin sakaniya ang lahat ng nangyari. Kinuha niya ang kaniyang flashlight at nagsimulang hanapin ang multong gumambala saamin. Ngunit wala siyang mahanap. Hanggang ngayon, 'di ko pa rin makalimutan ang pangyayaring iyon. Iyon kasi ang unang beses na may nagparamdam sakin. Iyon din ang unang beses na nakaramam ako ng takot kahit ako'y nursery pa lamang. At magmula noon, nagsimula na akong maniwala sa multo.


Alamat ng Baliwasan 
ni Amina Shayne Halil

   Noong unang panahon, may isang bayan na nagngangalang San. May nakatira rito na mag-asawang may napakagandang anak. Ang kaniyang pangalan ay Asan na isinunod sa bayan kung saan siya ipinanganak. Mabait ang mga tao rito at magalang. Iniidolo ng mga taga-barangay San si Asan dahil sa kabaitan at kabutihang loob na ipinamalas niya. Mahilig siyang tumulong sa mga tao at iginagalang niya lahat ng mga tao rito. Nagagalit rin ang mga magulang ni Asan sapagka't gabi-gabi may humaharana sa kanilang anak. Hindi pinapayagan ng kaniyang mga magulang na mag sumuyo sa kanilang anak sapagka't itinuturing nilang kayamanan si Asan. Isang araw may lalakeng di na nakapagtiis kay Asan. Tumyempo siya ng panahonupang pasukin ang bahay nina Asan. Nang gabing iyon, wala ang mga magulang ni Asan. Pinasokng lalaki ang bahay at hinalay ang walang kalaban-labang si Asan. Matapos mangyari iyon, bigla nalamang natulala si Asan at tila nagsimula nang aging baliw. Nag-alala lahat ng tao sa barangay San. Tinanong nila at pinasalita si Asan kung sino ang gumawa sakniya nito. Ngunit 'di niya ito magawa sapagkat siya ay wala na sa pag-iisip at nababaliw na. Ilang araw ang nakalipas ay namatay na si Asan . Nagulila silang lahat. Ipinangalan nila ang kanilang  barangay na barangay Baliwasan. Baliwasan sapagkat namatay sa pagkakabaliw ang isa sa mga taong tumatak sa puso ng barangay na San na si Asan.
Ang Konsepto Ko Ng Kalayaan
ni Amina Shaye Halil

   Kalayaan o freedom. Isang salitang paminsan-minsa'y mahirap makuha. Pero sa tingin ko, may natural na karapatan tayo sa kalayaan. Mapa sa tahanan, sa paggamit ng social networking sites o mapa sa sarili mong mga magulang. Mauna muna tayo sa tahanan. Maaring magagawa natin ang gusto natin sa ating mga bahay ngunit may ipinagbabawal din dito. Sarili mo man itong bahay, may mga limitasyon rin dapat tayong isipin ukol sa kalayaan na gusto natin at sa mga kagustuhan nating gawin dito. "Ano ba 'yang Cybercrime-cybercrime law na 'yan? Kainis naman."  Linya ng karamihan saatin. Kung pag-uusapan naman ang freedom of speech sa paggamit ng social networking sites eh, diyan tayong mga pinoy nahihilig eh. Ang paglalahad natin ng damdamin sa paggamit ng mga sites tulad ng facebook, twitter at kung anu-ano pa. Nang inilabas naman ang Cybercrime law, marami saatin ang 'di sumangayon dito spagka't nawawala na ang ating kalayaan sa paggamit nito. Ngunit ang maganda rin dito ay mababawasan na ang mga bullies at mababawasan na ang bilang ng mga nabibiktima ng Cyberbullying. Nagyon, sa mga magulang naman tayo. Karamihan saating mga makabagong kabataan ay babad na babad na sa pag-paparty. Party doon, Party dito. Shopping doon, shopping dito. "Buti pa sila" Wika ng mga kabataang may mahihigpit na mga magulang na 'di pinapayagang gawin ag gusto nila bilang mga teens kung tawagin. May mga magaganda rin namang epekto ang pagiging strikto ng mga nakakatanda. Ang masama lang rito, minsan nagreresukta ito ng pagiging rebelde ng , karamihan saatin. Takas dito, takas doon. Sa pagkawala ng kalayaan ng mga kabataan ngayon , nagbubunga rin ito ng mga negatibong epekto na paminsa'y pinagsisisihan. Lahat naman tayo ay karapatdapat na makatikim ng kalayaan ang kailangan lang naman natin ay huwag nating abusuhin ito.
Alamat Ng Talon-Talon
ni Jamih Lynn Macario

    Noong unang panahon, sa isla ng Mindanao, mayroong isang raja na nagngangalang Raja Jumatalon. Isa siyang mabait, matipuno, makapangyarihan at makisig na Raja. Lahat ng babae sa kanilang tribo ay nagkakagusto sa kanya, ngunit wala siya ni isang mapusuan.

    Nang dumating ang isang araw, may nakilala siyang isang babaen na nagngangalang Nailan. Si Nailan ay isang maganda at mapagmahal na babae. Siya lamang ang nakapagpa-ibig kay Raja Jumatalon. Araw-araw silang nagkikita silang nagkikita sa tabing ilog upang maligo. Kahit alam nilang hindi pwede dahil ang kanilang tribo ay magka-away. Pero sa kabila ng lahat, mahal na mahal nila ang isa't isa.

    Malalim na ang gabi nang nakauwi si Nailan sa kanilang tribo. Nagtaka ang kanyang ama kung bakit gabing-gabi na siya nakauwi kaya tinanong niya si Nailan. Hindi kayang itago ni Nailan ang katotohanan kung kaya't nasabi niya ang totoo. Galit na galit ang kanyang ama. Sumugod ang Datu at ang kanyang mga kawal sa tribo ni Raja Jumatalon na walang kaalam-alam. Napaslang si Raja Jumatalon ng isang kawal ng datu.

   Inilibing si Raja Jumatalon at ang iba niyang kasamahan kinabukasan kung kaya't ang lugar ay tinawag na Jumatalon at di nagtagal tinawag itong "Talon-Talon" upang magbigay paalala sa kanilang Raja.
    

Huwebes, Pebrero 28, 2013

Batang babae, ni-rape ng engkanto. Bata, nabuntis!
ni Amina Shayne Halil at Earl Humprey Bantug

      Ika-10 ng Pebrero 2012 sa Belete Drive nang naglayas ang isang batang babae na nagngangalang Josefina sa kasgsagan ngulan. Si Josefina ay isang residente ng barangay na malapit sa Belete drive. Huli siyang namataan sa isang puno na Balete sa naturang lugar na pagala-gala. Ayon sa ina, noong bumalik siya sa bahay ng walang saplot at nagdadalang-tao na. At pagkalipas ng tatlong araw ay nailuwal niya ang kaniyang anak at nalaman na ng ina ang tunay na pagkatao ng nakabuntis sa kaniyang anak.
Ang WMSU
ni Amina Shayne Halil

Sa unang pagtapak ko dito,
Bakas ang ngiti sa muka ko.
Dama ko ang pananabik,
Sa kasiyahang hatid.

Nakahanap ng mga kaibigan,
Kaagapay sa silid-aralan.
'Di matawarang kwentuhan, 
May kahalo pang biruan.

Kay rami kong natutunan,
Sa gurong magaling sa turuan.
May mga pagkakataong mahirap matuto,
Sa mga leksyong nakakalito.

Naisip ko na masayang mag-aral,
Lalo na sa ganitong paaralan.
Hinding-hindi ko makakalimutan ang WMSU,
Ang unang eskwelahang tumatak sa'aking puso.
O, Dati Kong Paaralan
ni Jamih Lynn Macario

Kahit 'di lahat ng building dito ay sementado,
Basta pagturo sa amin ay planado.
Kaya araw-araw kaming pumapasok,
na gandaong-ganado.

Kahit ang canteen dito ay maliit,
Basta mkabili lamang kami ng pansit.
Mga kendi dito ay sweet,
Kaya laging binabalikan ng mga batang makukulit.

Mga parke dito ay makukulay,
Kaya mga halaman dito ay buhay na buhay.
Ang kalinisan nito,
Sa amin nakasalalay.

O, dati kong paaralan,
Binigyan mo ako ng kaalaman;
At hinusayan lalo ang aking kakayahan.
Kaya magpakailan man, itunuturing ko itong
isang kayamanan.


Miyerkules, Pebrero 27, 2013

Cellphone
ni Amina Shayne B. Halil

   Ako po si cellphone. Para sa iba naman ako ay isang mamahaling bagay lamang na 'di dapat bilhin, ako naman ay isang importanteng kagamitan pang-komunikasyon. Marami akong kayang gawin. 'Di lang ako pang-komunikasyon kundi pan-libangan rin. Mapa-musika, mapagames at iba pa. Marami rin akong klase. Kung gusto mo ng simple lamang ay maganda yung walang camera. At kung gusto mo naman yung classy at sosyal naaayon sayo ang may camera. Ngunit ang iba ay tila di ako pinahahalagahan, masasagi rin sakanilang isip n ako'y kailangang pahalagahan.Ngunit ako'y di dapat gamitin pangloko ng ibang tao.instrumento uoang magamit sa kasamaan o gamitin sa terorismo. Narararapat lamang na magkaroon ng limitasyon ang paggamit niyo saakin. 'Di dapat akong gamitin tuwing may klase kung ayaw niyong mapagalitan sapagkat ito'y ipinagbabawal. Isa rin ako sa mga kinaiinisan n ginyong mga magulang . Wala na kasing ginawa ang mga kabataan ngayon kundi ang pumindot ng pumindot . At laging aalahanin na ingatan ako at magkaroon ng limitasyon sa paggamit saakin.
PSP
ni Jamih Lynn Macario

    Ako si PSP at pagmamay-ari ako ni Jamih Lynn, Nakasama ko siya simula 8 na taing gulang siya, Simula noon, sa tuwing  nababagot siya a bahay at nilalaro niya ako . Sa dami ng laro na andito sa akin ay hindi na siya nababagot. Lagi siyang nageenjoy. Bukod sa mga laro ay may iba't ibang applications din ako. Tulad ng camera, para mapicturan niya lahat ng gusto niyang picturan. Mayroon ding WiFi connection upang makapag-surf din siya sa internet. Kung saan-saan na niya ako dinala sa tuwing nag-vacation sila sa iba't-ibang lugar. Kahit kailan ay hindi niya ako pinabayaan. Ni walang gasgas ang makikita niyo sa aking katawan. Lagi niya akong pinupunasan upang maging makintab ako. Ang sya-saya ko dahil sa kanya napunta at kung may tyansa akong makapag-salita ay magpapasalamat talaga ako sakanya at mas lalo ko pa siyang pasasayahin.
Ang Huling Pagkikita
ni Jamih Lynn Macario

Nang una ko siyang nakilala,
Abot langit ang aking saya.
Araw-araw kami ay magkasama
Wala nang magpapahiwalay sa aming dalawa.

Umaga hanggang gabi,
Siya lang ang aking iniisp.
Lagi kaming nagdadamayan,
Sa oras ng kalungkutan

Nang dumating ang araw na iyon,
Yun na ang huli naming pagkikita.
Nagpaalam siya at pumunta sa Maynila,
At dahil doon ako'y naulila.
Ang Iyong Paglisan
ni Amina Shayne B. Halil


Noong ikaw ay lumisan,
Dama ko ang kalungkutan.
'Di alam kung saan ka pupunta,
'Di alam kung ika'y babalik pa.

Sana'y noon pa nalaman na,
Na ikaw ay aalis lang pala,
Sana ngayo'y 'di lumuluha,
Ayan tuloy, nagmumukha akong tanga.

Noong hininihintay ang iyong pagbalik,
Alam mo bang puso ko'y sabik na sabik?
At ngayo'y dumating ka na na baon ang iyong mga ngiti,
Sana 'di na dumating ang panahong ika'y lumisan pang muli.