Alamat ng Baliwasan
ni Amina Shayne Halil
Noong unang panahon, may isang bayan na nagngangalang San. May nakatira rito na mag-asawang may napakagandang anak. Ang kaniyang pangalan ay Asan na isinunod sa bayan kung saan siya ipinanganak. Mabait ang mga tao rito at magalang. Iniidolo ng mga taga-barangay San si Asan dahil sa kabaitan at kabutihang loob na ipinamalas niya. Mahilig siyang tumulong sa mga tao at iginagalang niya lahat ng mga tao rito. Nagagalit rin ang mga magulang ni Asan sapagka't gabi-gabi may humaharana sa kanilang anak. Hindi pinapayagan ng kaniyang mga magulang na mag sumuyo sa kanilang anak sapagka't itinuturing nilang kayamanan si Asan. Isang araw may lalakeng di na nakapagtiis kay Asan. Tumyempo siya ng panahonupang pasukin ang bahay nina Asan. Nang gabing iyon, wala ang mga magulang ni Asan. Pinasokng lalaki ang bahay at hinalay ang walang kalaban-labang si Asan. Matapos mangyari iyon, bigla nalamang natulala si Asan at tila nagsimula nang aging baliw. Nag-alala lahat ng tao sa barangay San. Tinanong nila at pinasalita si Asan kung sino ang gumawa sakniya nito. Ngunit 'di niya ito magawa sapagkat siya ay wala na sa pag-iisip at nababaliw na. Ilang araw ang nakalipas ay namatay na si Asan . Nagulila silang lahat. Ipinangalan nila ang kanilang barangay na barangay Baliwasan. Baliwasan sapagkat namatay sa pagkakabaliw ang isa sa mga taong tumatak sa puso ng barangay na San na si Asan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento