Kwentong Kababalaghan
ni Amina Shayne Halil
May mga kababalaghan talaga tayong nasasaksihan na tila hindi kapanipaniwala at mahirao ipaliwanag. Tulad nalamang ng naranasan namin ng aking Ate, ako at nakbabatang kapatid na lalake. Taong 2004 nang naganap ito. Malalim na ang gabi. Ang aking ina ay nasa kabilang kwarto at nakikipagkwentuham saaking lola habang kaming tatlo ay naiwan sa kwarto namin. Marami nang mga nakakapangilabot na kwento ang aming narinig tungkol sa tinitirhan naming bahay. Nanay, Tatay, Lola at iba pang kaanak ang nagsabi. Kahit na kami ay natatakot na sa mga kwentong ito, nagsimula kaming magkwento ng mga kababalaghan nang gabing iyon. Habang napapatagal ang kwentuhan namin mas lalo kaming naging maingay. Napasarap na ang kwentuhan at nagsimula na rin kaming tumawa at humalakhak. Ang aming kwentuhan ay nabulabog ng isang ingay na tila nanggagaling sa aming bintana, Napalingon kami at nakita naming may pumupukpok sa aming bintana. Kahoy ng punong bayabas ang ginamit pang-pukpok. Maingay at walang tigil. Ang nga pusa ay nagiingay na rin. Nagsimula na kaming lumabas ng kwarto. Nauna ang aking ate, pangalawa ako at pang huli ang aking nakababatang kapatid. Hinihingal kami ng magsumbong sa aming lola at nanay. Noong una, hindi sila naniwala saamin. Pinasilip namin sila sa bintana. Tumigil na ang pagpukpok dito ngunit, mas lalo kaming kinalibutan nang bigla nalamang umandar ang aming biskleta na may sidecar nang patalikod. Bigla ring tumumba ang aming upuan nang dumaan ang bisikleta. Tumindig ang aming balahibo. Kasabay nito ang takot wala roon ang aming tatay. Pinapasok kami ng nanay ko. At may biglang kumatok sa gate Natakot kami, ngunit iyon pala ay ang aming tatay. Napahinga kami ng maluwag sapagka't siya'y dumating na. Ikinuwento namin sakaniya ang lahat ng nangyari. Kinuha niya ang kaniyang flashlight at nagsimulang hanapin ang multong gumambala saamin. Ngunit wala siyang mahanap. Hanggang ngayon, 'di ko pa rin makalimutan ang pangyayaring iyon. Iyon kasi ang unang beses na may nagparamdam sakin. Iyon din ang unang beses na nakaramam ako ng takot kahit ako'y nursery pa lamang. At magmula noon, nagsimula na akong maniwala sa multo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento