Ang Konsepto Ko Ng Kalayaan
ni Amina Shaye Halil
ni Amina Shaye Halil
Kalayaan o freedom. Isang salitang paminsan-minsa'y mahirap makuha. Pero sa tingin ko, may natural na karapatan tayo sa kalayaan. Mapa sa tahanan, sa paggamit ng social networking sites o mapa sa sarili mong mga magulang. Mauna muna tayo sa tahanan. Maaring magagawa natin ang gusto natin sa ating mga bahay ngunit may ipinagbabawal din dito. Sarili mo man itong bahay, may mga limitasyon rin dapat tayong isipin ukol sa kalayaan na gusto natin at sa mga kagustuhan nating gawin dito. "Ano ba 'yang Cybercrime-cybercrime law na 'yan? Kainis naman." Linya ng karamihan saatin. Kung pag-uusapan naman ang freedom of speech sa paggamit ng social networking sites eh, diyan tayong mga pinoy nahihilig eh. Ang paglalahad natin ng damdamin sa paggamit ng mga sites tulad ng facebook, twitter at kung anu-ano pa. Nang inilabas naman ang Cybercrime law, marami saatin ang 'di sumangayon dito spagka't nawawala na ang ating kalayaan sa paggamit nito. Ngunit ang maganda rin dito ay mababawasan na ang mga bullies at mababawasan na ang bilang ng mga nabibiktima ng Cyberbullying. Nagyon, sa mga magulang naman tayo. Karamihan saating mga makabagong kabataan ay babad na babad na sa pag-paparty. Party doon, Party dito. Shopping doon, shopping dito. "Buti pa sila" Wika ng mga kabataang may mahihigpit na mga magulang na 'di pinapayagang gawin ag gusto nila bilang mga teens kung tawagin. May mga magaganda rin namang epekto ang pagiging strikto ng mga nakakatanda. Ang masama lang rito, minsan nagreresukta ito ng pagiging rebelde ng , karamihan saatin. Takas dito, takas doon. Sa pagkawala ng kalayaan ng mga kabataan ngayon , nagbubunga rin ito ng mga negatibong epekto na paminsa'y pinagsisisihan. Lahat naman tayo ay karapatdapat na makatikim ng kalayaan ang kailangan lang naman natin ay huwag nating abusuhin ito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento