Alamat Ng Talon-Talon
ni Jamih Lynn Macario
Noong unang panahon, sa isla ng Mindanao, mayroong isang raja na nagngangalang Raja Jumatalon. Isa siyang mabait, matipuno, makapangyarihan at makisig na Raja. Lahat ng babae sa kanilang tribo ay nagkakagusto sa kanya, ngunit wala siya ni isang mapusuan.
Nang dumating ang isang araw, may nakilala siyang isang babaen na nagngangalang Nailan. Si Nailan ay isang maganda at mapagmahal na babae. Siya lamang ang nakapagpa-ibig kay Raja Jumatalon. Araw-araw silang nagkikita silang nagkikita sa tabing ilog upang maligo. Kahit alam nilang hindi pwede dahil ang kanilang tribo ay magka-away. Pero sa kabila ng lahat, mahal na mahal nila ang isa't isa.
Malalim na ang gabi nang nakauwi si Nailan sa kanilang tribo. Nagtaka ang kanyang ama kung bakit gabing-gabi na siya nakauwi kaya tinanong niya si Nailan. Hindi kayang itago ni Nailan ang katotohanan kung kaya't nasabi niya ang totoo. Galit na galit ang kanyang ama. Sumugod ang Datu at ang kanyang mga kawal sa tribo ni Raja Jumatalon na walang kaalam-alam. Napaslang si Raja Jumatalon ng isang kawal ng datu.
Inilibing si Raja Jumatalon at ang iba niyang kasamahan kinabukasan kung kaya't ang lugar ay tinawag na Jumatalon at di nagtagal tinawag itong "Talon-Talon" upang magbigay paalala sa kanilang Raja.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento